Kelot inakalang unggoy inasinta ng hunter, kritikal

emergency

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaking bibitin-bitin sa puno matapos na mapagkamalang unggoy at barilin ng hindi nakilalang animal hunter sa Eastern Samar nitong Biyernes ng hapon  (Nobyembre 23).

Isinugod sa isang ospital sa Guiuan sanhi ng isang tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanang bahagi ng dibdib ang biktimang si Paulino Uganya Sr., 56-anyos pero inilipat din agad sa Eastern Visayas Regional Medical Center para sa isalang sa isang kaukulang operasyon.

Sa dami naman ng mga nanghahanting ng unggoy sa lugar, hindi matukoy pa ng pulisya kung sino ang dapat panagutin sa insidente.

Sa ulat na nakaradting sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 4:30 ng hapon sa isang gubat sa Barangay Bagtung, Salcedo, Eastern Samar.

Ayon sa anak ng biktima na si Paulino Jr, 21-anyos bago ang insidente ay, nangunguha siya ng panggatong sa lugar habang ang kanyang tatay naman ay umakyat sa isang para mamutol ng sanga ng puno.

Bigla na lang aniyang umalingawngaw ang isang putok ng baril at ang kasunod ay paglagapak ng kanyang tatay sa lupa na may tama ng baril sa dibdib.

Napag-alaman na maraming hunter ang pumupunta sa lugar ng pinangyayarihan upang manghuli o mamaril ng mga unggoy para ibenta naman bilang souvenirs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply