Kelot kulong sa pananakit sa dalagita

kulong-1

SWAK sa piitan ang isang binata matapos pasukin at saktan ang kapitbahay na dalagita sa Caloocan City, kagabi, Nobyembre 16.

Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse si Ricardo Sordilla, 29 ng Salmon st., ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, nasa loob ng bahay ang biktimang edad 15 nang pasukin at pagsasampalin ng suspek.

Sinabutan pa ng suspek ang biktima na nakita naman ng ina ng huli na naging dahilan upang tumawag ng mga tanod at ipidakip ang suspek.

Inaalam na kung ano ang motibo ng suspek sa pananakit sa dalagita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply