Kelot na tulak sa Mindoro, arestado

tiklo

ISANG kilabot na tulak umano ng shabu at miyembro ng isang drug group ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilunsad na buy-bust operation noong  November 25, sa Roxas, Oriental Mindoro.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Brian Dalida, 29 anyos, at miyembro ng Adap Drug Group at residente sa Barangay Paclasan, Roxas, Oriental Mindoro.

Nauna rito, nakipagkasundo umano sa bentahan ng droga si Dalida sa isang PDEA poseur-buyer bago nagkita sa Barangay Paclasan.

Matapos tanggapin ni Dalida ang halagang P500 marked money kapalit ng shabu ay dito na siya dinakma ng mga tauhan ni Director Brian Babang ng PDEA Regional Office 4B (PDEA RO4B).

Nakuhanan pa ng karagdagang apat na sachet ng shabu ang suspek matapos itong kapkapan.

Kilala umano si Dalida na tulak ng shabu sa Roxas, Oriental Mindoro at karatig na munisipalidad,” ayon kay Cacdac .

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag  sa Section 5 at Section 11, Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply