Kelot nagpanggap na colonel ng AFP, timbog

arestado

NATIMBOG ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang lalaki na nagpapanggap na colonel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) reserve command.

Kinilala ang naaresto na si Dindo Escorpion, na nagsabing malapit na kaibigan siya ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at ka-batch ni Transportation Secretary Jun Abaya, para makapagparehistro umano ng mga colorum na sasakyan.

Nabatid sa report ng NBI, nadakip ang suspek sa Cubao, Quezon City kahapon dahil sa reklamo ng isang Regeve Capalac, matapos makuhanan ng P534,000 na umano’y gagastusin nito sa pag-aaplay ng prankisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa kanyang 10 utility vehicles.

Napag-alaman pa sa ulat, na siyam na beses umanong humingi ng pera si Escorpion kay Capalac, na nagsimula nitong nakaraang Disyembre 3, 2011 hanggang Setyembre 25, 2012.

Bukod pa sa idinagdag na P10,000 para umano sa mas mabilis na pagpapalabas ng dokumento sa tanggapan ni DOTC Secretary Jun Abaya noong Oktubre 19, 2012.

Dahil dito, agad na inilatag ang entrapment operation at nahulog sa kamay ng batas si Escorpion.

Sa naturang imbestigasyon, nalaman mula kay Maj. Ruperto Reaso, Adjutant Command ng AFP Reserve, na hindi kaanib ang suspek sa AFP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply