Kelot nakaligtas sa salvage ng 5 parak

crime7

SERYOSO ang pamilya ng 38-anyos na lalaki na himalang nakaligtas sa pag-salvage ng apat na pulis na miyembro ng Quezon City Police District Station 9 na sampahan ng kaso ang mga ito.

Kasama ang mga magulang na dumulog sa tanggapan ng Commision on Human Rights si Rommel Solarte, ng Brgy. Pansol Quezon City upang sampahan ng reklamo ang sinasabing apat na pulis na tangkang magsalvage sa kanya.

Ayon kay Solarte, alas-3:00 ng madaling nang dukutin siya at  isakay ng  limang mga pulis na nakilala na sina PO1 Jomar Torapiel, P01 Laroy, P03 Don-naog, Sgt Mando Rivera at Sgt Agab.

Napag-alaman na nag-aabang ng bus sa Philcoa ang biktima papauwi sa kanilang tahanan nang lapitan ng mga pulis at sabihin na mayroon siyang kaso at kailangan na sumama sa kanila.

Dahil dito, hindi na nakapalag si Solarte nang isakay ng mga pulis sa mobile sa paniwala ngang may nagrereklamo sa kanya subalit kinabahan na ito na imbes sa presinto ay nagtungo sila sa liblib na lugar.

Nabatid na pagdating sa sinasabing liblib na lugar dito na agad na binalutan ng masking tape ang buong mukha ng biktima bago ilang beses na pinagbabaril.

Sa pag-aakalang patay na ang biktima at hindi na humihinga ay mabilis na nag-alisan ang mga pulis.

Base sa biktima, hindi niya alam kung ilang oras din siyang nawalan ng ulirat at nang magkamalay ay pilit siyang gumapang patungo sa kalsada  kung saan ilan naman sa mga nakakita sa kanya ang nagmagandang loob at nagtakbo sa kanya sa ospital.

Sa pahayag ni Solarte, nagalit sa kanya ang mga pulis nang tumanggi siyang maging asset at gumawa ng mga iligal para sa mga nabanggit na mga pulis.

Sinasabing ang biktima ay ilang beses na rin na pabalik-balik sa kulungan dahil sa kasong shoplifting, cellphone snatching at pagnanakaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply