Kelot nalunod sa batis, patay

bangkay-2

LAOAG CITY – Isang lalaki ang namatay matapos itong malunod sa isang batis sa Batac, Ilocos Norte, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay ang biktima na si Ruben Malandasan, ng Barangay Billoca, Batac, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Batac Philippine National Police (PNP), nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan malapit sa batis ng Barangay Billoca.

Hindi umano napansin ng mga kaibigan ng biktima na lumusong ito sa tubig.

Makalipas ang isang oras natagpuan ang biktima na isinugod pa sa pagamutan.

Nagsasagawa ang Batac PNP ng follow-up investigation kung may naganap na foul play sa nasabing insidente

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply