Kelot nanghalay, tiklo

tiklo

SWAK sa kulungan ang  isang binata matapos nitong sapilitang abusuhin at pagsamantalahan ang nililigawan nitong 4th year high school student na dalagita  sa loob ng bahay sa Bagong Silang, Caloocan City.

Naharap sa kasong rape at paglabag sa  RA 7610  si Jonel Bersabal y Abellon, 18,  3rd year high school, pizza crew, at residente  ng Blk25, phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang mga magulang sa tanggapan ni Spo1 Cherilyn Alaon imbestigador ng Women & Children Potection Desk (WCPD) ng Sub station 3  ay si Maricel, 16, hindi tunay pangalan.

Ayon sa ulat, dakong ala 1:00 ng hapon ng maganap ang pang-aabuso sa loob ng bahay ng biktima nasabing lugar.

Nabatid, pinayagan na papasukin sa bahay ang suspek hanggang sabay silang nanood ng  television.

Batid ng suspek na sila lamang dalawa sa bahay kaya agad sinamantala nito ang pagkakataon  hanggang sa sapilitang hinatak at ipinasok sa kwarto ang biktima at dito na isinagawa ang makamundong pagnanasa ng suspek.
.
Pilit naman humingi ng saklolo ang dalagita sa kapitbahay subalit hindi makasigaw dahil tinakpan ang bunganga nito ng suspek.

Nagkataon namang dumating ang magulang ng biktima kaya agad isinumbong ang nangyari sa kanya.

Humingi ng tulong ang magulang sa barangay tanod at ng puntahan ang bahay ng suspek dito nakita na nagtatago sa ilalim ng kanilang papag kaya agad itong inaresto at dinala sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply