Kelot natagpuang dedo sa trabaho

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang trabahor ng GPS trucking sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Juan Ray Boller, na sinasabing namatay habang nagtatrabaho sa loob ng GPS Trucking sa may Shell Gas Station sa Vitas,Tondo, Maynila.

Ayon kay SDPO2 Ronald Gallo, imbestogador, sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan sa pagkamatay ng biktima dahil wala umanong nakakita sa insidente at wala ring anumang impormasyon silang makuha upang maumpisahan ang imbestigasyon.

Sinasabi lamang, aniyang, ‘labor incident’ ang pangyayari.

Nauna rito, nakita umanong patay ang biktima dakong alas 5:30 kahapon.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply