Kelot niratrat, tigbak

PINAULANAN ng bala ang isang 39-anyos na lalaki ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad upang bumili ng pagkain sa Baseco, Tondo , Maynila, kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ng biktima na si Rodolfo Regulacion, may-asawa, ng Blk 6 ,old Site, Baseco, Port Area, Maynila.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, imbestigador ng Manila Plice District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente  sa nasabing lugar.

Nauna rito, lumabas ng bahay ang biktima upang bumili ng makakain nang bigla na lamang makarinig si Jenny Monarva, kapatid ng biktima ng limang sunod-sunod na putok ng baril.

Dahil dito, lumabas si Monarva at nakitang duguang nakabulagta na ang biktima at wala nang buhay.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas matapos ang insidente dala ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril .

Dinala sa St.Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply