Kelot pinugutan ng baliw sa Cebu

NASAWI ang isang lalaki makaraang pugutan ng ulo ng hinihinalang baliw na lalaki sa Brgy. Tabla, bayan ng Liloan, Cebu.

Nakilalang ang biktima na si Bobit Canatan, 40, habang kinilala naman ang suspek na si Francisco Tumayao Tundag, 49.

Nabatid na hinabol ni Tundag si Canatan at nang maabutan niya ito ay walang awang pinagtataga gamit ang isang itak na ikinapugot ng ulo ng biktima kung saan binitbit pa ng suspek ang ulo nito.

Sinasabing kamag-anak ng suspek ang biktima.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng Liloan Police Station ang sinasabing wala sa katinuang suspek habang narekober dito ang dalawang itak, isang green polo shirt at maong pants na puno ng dugo.

Nakatakda namang isailalim sa psychological test ang suspek bago sampahan ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply