Kelot sinagpang ng buwaya, todas

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki na ang kalahati ay pinaniniwalaang sinakmal ng buwaya sa isang Philippine breeding farm, ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes.

Bagama’t walang naging saksi sa pangyayari, sinabi ni Lerio Gazeta, administrative officer ng J.K. Mercado and Sons Agricultural Enterprises na siyang nagpapatakbo ng naturang farm na ang biktima na si Sorbelo Sajona, 57-anyos, walang trabaho ay sinakmal ng isa sa kanilang alagang buwaya dahil walang nakitang iba pang kapansan ang matandang lalaki bukod sa pagkahati ng kanyang katawan.

Wala naman ideya si Gazeta kung paanong nakapasok si Sajona na may limang kilometro ang layo ng bahay nito mula sa privately owned crocodile pond.

Huli itong nakitang susuray-suray sa kalasingan nito lamang nakaraang Lunes ng gabi,Nobyembre 5, mula sa pag-iinom sa loob ng semeteryo noong nakaraang Undas.

Pinaniniwalaan na sa kalasingan ay umakyat ito ng bakod sa naturang farm na mayroong 2,800 Crocodylus pororsus o mas kilalang saltwater crocodile na nakatira at inaalagaan, para doon ay matulog.

Kilala ang naturang farm sa pag-aalaga ng mga buwaya na ang balat ay ibinebenta sa ibang bansa habang ang karne naman nito ay ibinebenta sa mga restaurants na nagluluto naman ng exotic foods.

Magpapalabas ang naturang kumpanya ng pahayag hinggil sa pagkakatagpo ng bangkay pero tumanggi itong magbigay ng komento hinggil sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply