Kelot sinuntok, nabagok, tigok

NAMATAY ang isang lalaki nang mabagok ang ulo sa semento nang suntukin ng kanyang kainuman sa Cagayan de Oro City, Biyernes ng gabi (Nobyembre 9).

Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng malalim na sugat sa bandang kanang ulo ang biktimang si Delfin Elalo, 31-anyos ng San Isidro, Barangay Lapasan, CDO.

Naaresto naman agad ng CDO-PNP at sasampahan ng kasong homicide ang suspek na si Garby Chan, kapitbahay ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 nitong Biyernes ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Bago ito, nag-iinuman sina Elalo at Chan sa tapat ng bahay ng una pero nang malasing na ay nagtalo na humantong sa suntukan.

Dahil mas may kaalaman sa pagboboksing, napuruhan ng suspek ang panga ng biktima kaya nang tumumba ay humampas ang ulo nito sa sementadong sahig.

Ayon kay PO1 Virgilio Dagcuta ng Agora police station, kapwa lasing na ang dalawa nang magsuntukan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply