Kelot sinuwag ng taxi, nasagasaan ng trak sa QC

bangkay

DEDO ang isang lalaki makaraang mabundol ng taxi at masagasaan pa ng trak sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw (Nobyembre 22).

Dead on the spot sanhi ng pagkalasog na katawan ang biktimang si Mario Basa, 38-anyos, walang tiyak na tirahan.

Sumuko naman agad at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang tsuper ng taxi na si Joel Fradejas at ang tsuper ng trak na si Ronald Domdom.

Sa ulat ng Quezon City Police District- Traffic Sector 4, naganap ang insidente sa may Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Cubao.

Tumatawid ang biktima sa Edsa nang biglang mahagip ito ng taksing minamaneho ni Fradejas.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa nasabing kalsada na sa kamalasan ay eksaktong paparating ang truck ni Domdom.

Dahil sa insidente, nagkaroon ng kaunting kaguluhan nang magsisihan ang anak at ang ka-live-in ni Basa na kapwa hindi nakuha ang mga pangalan.

Ang nasabing insidente ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply