Kelot sugatan sa nilarong baril

SUGATAN ang isang lalaki matapos tamaan ng bala nang pumutok ang nilalarong paltik na baril habang nakikipag-inuman sa Caloocan City kaninang madaling araw, Nobyembre 1.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanang tuhod si Boboy Castro, 35 ng Talilong st., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar nang maglabas ng paltik at laruin.

Pumutok ang baril at tinamaan sa kanang tuhod ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply