Kelot tiklo sa pekeng pera

tiklo

TIKLO ang isang lalaki na gumagawa ng mga pekeng pera sa Barangay Kasambagan, Cebu City sa isinagawang buy-bust operation ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 166, 168 at 176 ng Revised Penal Code ang suspek na si Richard Uy, residente sa nasabing lugar at pinaniniwalaan na miyembro ng isang malaking sindikato sa lungsod ng Cebu.

Nabatid na matagal na ring inirereklamo si Uy dahil sa iligal nito na paggawa ng mga pekeng pera kung saan maliban sa naturang siyudad ay nagsusuplay din ang suspek ng mga pekeng pera sa Mindanao at Malaysia.

Hinala naman ng pulisya na gagamitin ang mga pekeng pera sa nalalapit na araw ng Pasko at posible rin na gamitin sa darating na eleksyon sa susunod na taon.

Nakikipagtulungan na ang NBI sa Central Bank at Homeland Security upang suriin ang humigit-kumulang na 240 piraso ng P500 bills, 130 piraso naman ng P1,000 bills at 3,000 piraso ng mga pekeng US dollar bills.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply