Kelot todas sa mag-utol na parak

PATAY ang isang kelot nang pagbabarilin ng mag-utol na pulis sa Brgy. 50-B, Youngfield, Tacloban sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Rammil Villaber, 33, habang ang mga suspek ay sina Rolex Manawataw, nakadestino sa Police Regional Office (PRO-8) at Rex Manawataw, nakadestino sa Tacloban City Police office lock-up cell.

Lumalabas na nakikipag-iinuman ang biktima sa ilang kaibigan nang lapitan ng isang Michael Naval at nagsabing may banta ang isang pulis na magpapaputok ng baril.

Dahil sa narinig, umalis si Villaber at pagbalik sa inuman ay may dala na itong armas.

Nang malaman naman iyon ni Rex ay bumunot ito ng baril saka binaril ang biktima na tinulungan pa ng kanyang kapatid.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply