Kelot todas sa onsehan sa droga

crime-scene-chalk-mark

ONSEHAN sa droga ang itinuturong dahilan sa pamamaslang sa 47-anyos na lalaki habang naglalakad papauwi sa Pasig City, Huwebes ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tangagpan ni Eastern Police District (EPD) director P/Chief Supt. Miguel Laurel, kinilala ang biktima na si Froto Rosas, Jr., binata, residente ng Ilang-ilang St., Ismar, Brgy. Kalawaan ng nasabing lungsod.

Kaswal namang naglakad lamang papalayo ang suspek na armado ng kalibre .45 na baril matapos ang pamamaril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa Axis Road, cor. Crova Compound, Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Ayon sa mga testigo na ayaw magpabangit ng pangalan, naglalakad ang biktima nang pagbabarilin ng suspek bago kaswal na naglakad din papalayo sa lugar ng krimen.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Alfredo, sangkot si Froto sa iligal na droga at malaki ang posibilidad na ito ang dahilan ng pamamaslang.

Gayundin, tumanggi na rin si Alfredo na dalhin ang bangkay ng kapatid sa tanggapan ng PNP Crime Laboratory sa Kampo Crame para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply