Ken Chan, ilusyunado si Lovi Poe pa ang gustong ligawan!?

AYON sa aming source, itong si Ken Chan na isang baguhan pa lang sa showbiz AT regular cast ng teleseryeng Yesterday Bride na mapanonood sa GMA-7 kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Roco Nacino ay lumalayo raw kapag kukunan na ang mga intimate scenes nina Lovi Poe at ng morenong aktor. Hindi raw kasi kinakaya ni Ken na makita ito dahil sa tindi ng pagseselos dala ng matinding pagkagusto nito kay Lovi.

Kung pwede nga raw sanang ipapatay na raw niya ang kanyang role para mawala na siya sa nasabing teleserye ay ginawa na niya ito. Kaya lang, lalo niyang hindi makikita ang kanyang lihim na minamahal.

Sabi pa ng aming source, ilang araw o pagti-taping ay laging hindi masigla si Ken pagdating sa kanyang eksena. Madalas raw napupuna siya ng kanilang direktor na parang wala sa kanyang sarili kung kaya’t naka-ilang take na hindi nya matapos-tapos hanggang sa muntik na nga itong masigawan.

Balita namin ay ipinatawag diumano ang kanyang manager at ipinakikiusap ng direktor na ayusin o kausapin niya si Ken na sa mga huling taping nito ay parang walang gana sa kanyang mga eksena.

May nagbulong raw na isang fan na dahil raw sa matinding selos nito kay Rocco para kay Lovi…arayyy ko! Balita pa namin ay masinsinang kinausap si Ken ng kanyang manager na kung hindi ito titigil sa kanyang kalokohan ay tatanggalin na niya ito sa Yesterday’s Bride.

Sana sa pagkakataong ito ay makausap namin ng personal si Ken upang malaman namin ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang masasabi niya sa nasagap namin na maaari siyang tanggalin sa naturang teleserye kung hindi nya aalisin sa kanyang puso si Lovi Poe.

Sabi pa rin ng aming source, narinig niya diumano na may nagsabi sa set na huwag siyang ilusyunado dahil hindi sya papatusin ni Lovi.

Kabagu-bago pa lang daw niya kasi sa showbiz kung umasta siya’y feeling sikat na. Hahaha!

***

German Moreno, tinatraydor ng kasamahan!?

AYON sa aming source, hindi nila alam kung ano ang totoo sa ipinakikitang pag-uugali ni Kuya Germs. Di raw niya malaman kung tatanga-tanga o manhid lang talaga ang veteran radio and TV personality. Kasi raw yung isa niyang kinuhang co-host sa isang segment na kunwari’y nagbabalita sila tungkol sa mga latest tsismis sa showbiz.

Ang siste, pinagbibitangan raw si Kuya Germs na syonga-songa dahil nag-aalaga siya ng isang traydor sa kanyang show, ang Walang Tulugan.

Heto ang tsika ng aming source, isa rin daw itong matatawag na movie columnist at talent manager na kung tutuusin, siya raw ang merong pinakamaraming bagong alaga na nasa bakuran ng naturang show ni Kuya Germs.

Ang pagtatraydor diumano ng parang co-host niya ay sinasabihan or mahigpit na pinagbabawalan nito ang kanyang mga hawak na baguhan na huwag lalapit kay Kuya Germs off-cam.

“‘Wag na huwag kayong lalapit kay Kuya Germs nang di ko alam at hindi kayo pwedeng sumama kapag kayo’y isina- sama nang hindi ko alam. At kung meron mang mangyari sa inyo ay hindi ako pwedeng sisihin o panagutin.'”

Ang ginawa pa raw ng kanilang Manager ay isa-isang tinanong kung sino na ang lumalapit o sumasama ng di nito alam kay Master Showman.

Sumagot naman daw ang mga alaga nito na wala at ipinangtanggol pa nila si Kuya Germs kung saan sinabi na wag siyang ganyan dahil never nilang nakitaan ito ng gawaing masama. Mabait lang daw talaga lang sa kanila si Kuya Germs kung nakikita mang magiliw silang kinakausap.

Kapatid, text ka sa akin (09398642259) upang makuha ko ang panig mo. Trabaho lang, walang personalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply