Killer ng magpinsan na dalagita, kilala na

crime-scene-4

KILALA na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa magpinsan na nene sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Gilbert Fulloso, nasa hustong gulang at katapat ng bahay ng mga biktimang sina Diana Rose Liza, 15, at Joanna Marie Coronado, 10, ng Padas Alley ng lungsod.

Magugunita na dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa loob ng bahay ng mga Liza sa nasabing lugar.

Nabatid na dadalhan sana ng makakain ang mga biktima ng kapatid ni Coronado subalit laking gulat nang makita ang kapatid na patay na at may mga saksak sa katawan habang sa kuwarto naman nakita ang bangkay ni Liza.

Sa imbestigasyon, nakakita ng mga patak ng dugo ang mga pulis papunta sa loob ng bahay ng suspek na tumakas na.

Bago matagpuan ang mga bangkay ay may nakainuman umano ang suspek at sinabing huwag mabibigla kung may mabalitaan na dalawang nene na patay na.

May saksi rin na ang suspek ang huling nakita na nanggaling sa bahay ng mga biktima na naging dahilan upang ituring na suspek si Fulloso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply