Kim at Gerald nagkabalikan na!

kimerald

IKATUTUWA kaya ni Mommy Divine, ang nanay ni Sarah Geronimo, ang pagbabalikan nina Kim Chiu at Gerald Anderson? Sa wakas mawawala na rin ang sakit ng kanyang ulo sa bantay-saradong ginagawa nito kay Sarah huwag lang malapitan ng aktor.

Ang kaso mo, sa pelikulang “24/7 In Love”, isang higanteng proyekto na handog ng Star Cinema para sa ika-20th Anniversary ng Star Magic lamang nagkabalikan ang dalawa sa episode na “Underwear Hero”.

Sa una, nagkailangan daw ang dalawa dahil ang last project nila ay noon pang 2010 sa movie na “Till My Heartaches End”, ngunit habang tumatagal sila sa shooting ay tila bumabalik naman ang dati nilang feelings sa isa’t isa.

“Two years ago pa ‘yung huling movie namin ni Kim, tapos nun nagkatrabaho ulit kami, parang bumabalik ‘yung mga dating memories, ‘yung mga alaala at kahit 2 years kaming hindi nagkasama sa shooting, parang yung first day pa lang, kilala na talaga namin ang isa’t isa, kaya sobrang komportable kami agad,” sabi ni Gerald.

“Sa ‘min kasi ni Gerald, 4 years na kaming laging magka-loveteam, tapos nung sumalang na kami at umarte na kami sa harap ng camera, ganon pa rin parang gamay na namin ang isa’t isa. Hindi na kami nag ‘sino kaya gaganito’ or ‘sino kaya maggaganito,’ parang natural na. Parang okay, maganda yung flow nung umarte kami. Kaya nagulat ako na, ‘ay oo naaalala niya pa rin, naaalala ko pa rin,'” ayon naman kay Kim.

***

Rei susubukan ni Gina Alajar sa drama

MASASABAK sa matinding drama si Rei Torres Yagami matapos na kumpirmahin ng manager nitong si Ronald Duka na susubukan ni Ms. Gina Alajar ang galing ng dalagita sa pag-arte dahil ipapasok daw ito sa serye na Magdalena. Ngunit ayon sa beteranang aktres at direktor, dadaan muna si Rei sa acting workshop bago niya ito ipasok sa seryeng pinagbibidahan ni Bela Padilla na napanonood tuwing hapon sa GMA-7.

Malapit na ring mapakinggan ang unang album ni Bimbay na prinudyus ng kanyang magandang mommy na si Heide Torres na look- a-like ng batikang artistang si Cherry Pie Picache, di ba ate Lorna at Daddy Zaldy? At habang naghahanap ng kompanyang magre-release ng album ang dalagita, ang kanyang mga awitin ay mapapakinggan na sa programang Star Na Star sa DWIZ 882khz nina Pete Ampoloquio, Peter Ledesma at ang inyong lingkod tuwing 2-3 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply