Koleksyon sa customs lumago kay Biazon

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

IBANG klaseng husay ang ipinakikita ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon matapos nitong higitan ang koleksyon ng buwis mula Enero hanggang Setyembre ng nakalipas na dalawang pamunuan sa nabanggit na ahensiya.

Tila walang alinlangan si Commissioner  na parehong gampanan ang tungkulin ng paghuli sa smugglers at palakasin ang koleksyon sa customs.

Nitong  Enero ng kasalukuyang taon, pumalo sa P29,990 bilyon ang koleksyong nakalap ng Customs kumpara sa kaparehong buwan ng pamumuno ni Alvares na P20,535 bilyon lamang ang nakolekta habang kay Morales naman ay P17, 605 bilyon lamang.

Sa buwan naman ng Pebrero 2012, tumaas ang koleksyon ng Customs sa pamumuno pa rin ni Biazon sa P22,433 bilyon na malayong-malayo kay Alvares sa P18, 583 bilyon na koleksyon nito sa parehong buwan, habang P18,076 bilyon naman ang kay Morales.

Pati sa mga sumunod na buwan mula Marso hanggang Setyembre, talagang maikukumpara ang performance ni Biazon sa mga nakalipas na namuno sa Customs dahil kitang-kita ang pagtaas ng koleksyon sa buwis ng ahensya.

Si Alvares ay nanilbihan sa BoC mula July 11, 2010 hanggang September 18, 2011 habang si Morales naman ay mula January 2, 2006 hanggang July 10, 2010 at base sa mga datos na ating nakalap, taob ang huling buwan ng mga ito sa husay at galing ni Biazon sa Customs.

Kakaibang determinasyon nga naman ang taglay nitong si Biazon at talagang biglang taas ang koleksyon sa buwis ng customs na malaking tulong sa gobyerno bilang pondo sa iba’t ibang serbisyo-publikong programa nito.

Ilang beses nang nababanggit ng inyong lingkod na talagang hindi nagkamali si Pangulong Aquino kay Biazon na ngayon ay nag-silbing tanglaw sa ahensiyang minsan nang pinukol ng mga kontrobersiya.

Kahanga-hanga naman talaga itong si Commissioner at kaabang-abang din ang mga susunod na operasyon ng Customs na siyang sasawata sa mga smuggler na magpupumilit maglabas at magpasok ng mga illegal na kargamento sa bansa.

Kung hindi si Biazon ang nakaupo ngayon sa Customs, makakamit kaya nito ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon?

Siyempre hindi… dahil iba talaga ‘pag may prinsipyo at determinasyon ang namumuno sa ahensiyang ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply