Konsehal nakuryente sa Christmas lights, todas

NASAWI ang isang Sangguniang bayan member sa Amulung, Cagayan makaraang makuryente ito habang nagkakabit ng Christmas lights.

Namatay si SB Member Juan Tabisaura Jr., 27, ng Brgy. Bayabat, Amulung makaraang makuryente ito habang nagkakabit ng Christmas lights sa kanilang bahay nang aksidente nitong mahawakan ang live wire.

Isinugod pa ito sa Tabisaura sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City kung saan idineklarang patay ng mga doktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply