Kontribusyon sa mga kandidato, bubusisiin ng CFU ng Comelec

TINIYAK ng Commisssion on Elections (Comelec) na kanilang bubusisiin ang mga campaign contributions na gagamitin sa pangangampanya ng mga pulitiko sa darating na halalang 2013.

Kasunod ito ng pagbuo ng komisyon ng komite na Campaign Finance Unit (CFU) kung saan pangungunahan ni Comelec Commissioner Christian Lim.

Ayon kay Lim, ang CFU ang awtorisadong makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan  upang matiyak na ang mga contributors ng mga kandidato ay sumusunod  sa umiiral na Campaign Finance Law.

Kanila rin, aniyang, bubusisiin kung ang mga ibibigay o idodonate ng isang tao o kompanya sa mga kandidato ay nakadeklara sa kanilang tax declaration.

Dahil naman sa desisyon ng Korte Suprema noong 2009 na hindi bawal ang premature campaigning  ay inamin naman ng opisyal na tali ang kamay ng CFU na ma-regulate ang gastusin ng mga kandidato para sa campaign materials o anumang aktibidad bago ang campaign period.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply