Korean noodles hindi ban sa Pinas

NILINAW ng Food and Drug Administration na hindi ipinagbabawal ang pag-angkat ng Korean noodles sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Deputy Director Nazarita Tacandong, anim na brand lamang na ipina-recall ng mismong FDA ng Korean na may partikular na expiry date ang ipinag-utos ng FDA na alisin sa mga estante ng mga tindahan.

Hindi umano ito maituturing na ban dahil sila mismo ang may utos nito.

Matatandaang anim na brand ng Korean noodles ang natuklasang nagtataglay ng benzopyrene, isang carcinogen o maaaring magdulot ng cancer.

Ang nasabing resulta ay base sa isinagawang pag-aaral sa mga hayop.

Dahil dito, ipinabawai ng manufacturer ang nasabing mga produkto.

Nanawagan naman ng South Korean embassy sa Maynila na tanggalin na ng gobyerno ang ban sa anim na instant noodle brands ng Nongshim Company kasunod ng pagbawi na rin ng Korean FDA sa ban sa naturang brands ng noodles.

Gayunman, nagsagawa ng sariling pagsusuri ang FDA ng Pilipinas kung saan malalaman sa Lunes ang resulta.

Sinusuri na rin nila ang iba pang brand ng noodles na galling sa Korea upang makasiguro.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply