Korean pastor inireklamo ng panghihipo

ISANG Korean pastor ang inireklamo ng ginang sa panghihipo sa kanya sa Iloilo City.

Umiiyak na isinilaysay ng nagrereklamong si Mrs. Angeles Ilangos, 46, may 13 anak, ng Brgy. South Fundidor, Molo, Iloilo City ay nagtatrabaho bilang tagapagluto at labandera sa isang elementary school sa BML Subdivision Molo, ang pangmomolestiya sa kanya ng isang Pastor John.

Sinabi ni Ilangos na naglinis siya ng silid ng pastor nang bigla na lamang hinawakan ang kanyang puwetan at pribadong bahagi ng kanyang pagkababae habang siya ay nagma-mop.

Naulit pa umano ito at nakatawa pa habang ginagawa ang panghihipo.

Nagsumbong na rin sa pulisya ang ginang subalit mahigpit na pinasinungalingan ng pastor ang alegasyon.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply