Kotongerong MMDA enforcer; Aga Muhlach yari sa Comelec

burdado-jun-briones2

HINULI ni MMDA traffic enforcer Jerry Mallari sa Macapagal Boulevard ang SUV ni Gng. Angelina Batuigas noong isang araw dahil lumagpas umano ang driver nito sa itinakdang 60 kph.

Ang masakit, sinabayan nito ng pananakot na “dalawang libo ang penalty plus seminar” kaya para hindi na isyuhan ng ticket ay magbigay na lamang sa kanya ng isang libo at libre na.

Dahil dito kaya tumawad si Gng. Batuigas na kung maari ay P200 na lang, pero idiniin ni Mallari na P700 kaya nanghiram ang biktima sa kanyang kasama ng P500.

Chairman Tolentino, masyadong masiba itong hayop na aso mong si Mallari!

Hangga’t hindi mo sinisipa ang demonyong ito ay pamamarisan siya ng kanyang mga kasamahan at hindi mo masisisi ang taumbayan kung hindi irespeto ang Traffic Enforcers!

At paano nga naman igagalang ang mga kauri ng kahayupan nitong si Mallari na hindi man lang kinikilabutan ang animal habang ipinalalamon sa kanyang pamilya ang perang kinuha sa iba nang paiyakan!

Mallari, kung manghuhuli ka ay tiyakin mo na dahil lumabag ito sa batas kaya dapat managot, hindi yung nanghuhuli ka dahil kumakalam ang sikmura mong kabron ka! Tangna!

-o0o-

SINABI ni Chairman Sixto Brillantes na ang pagkakatanggal sa list of voters ng CamSur kina  Aga Muhlach ay walang kinalaman ang Comelec.

Ganun ba? Eh, kung desisyon lang ito ng lower court doon, bakit tumatalsik ang laway ni Comelec spokesman Jimenez habang idinidepensa ang pagka-delist sa mga Muhlach?

Paano ngayon aasahang maging patas ang Comelec sa anomang usapin ng Fuentebella versus Muhlach gayung ngayon pa lang ay ipinakikita na ang pagkontra kay Aga?

Si Muhlach, parekoy, ang kalaban sa 4th dist. ni Wimpy Fuentebella na anak ni incumbent Rep. Arnulfo Fuentebella.

Sandali lang, may hakbang ka na ba Chairman Brillantes sa napaulat na meeting nina Fuentebella at Comelec Comms. Tagle at Yosup?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply