Kourtney, tinatarayan ng isang talent manager na starlet

EARLY next year ay matutuloy na ang matagal ng pelikula na pinaplano ng Viva Film na pagsamahin si Sharon Cuneta at ang dati niyang Childhood Sweetheart na si Gabby Concepcion na papabol pa rin hanggang ngayon at katilam-tilam ang aura.

Actually, marami pang mga mayayamang bading ang type na mabingwit itong si Gabo dahil sa malakas pa rin naman talaga ang kanyang charisma.

And speaking of Sharon Cuneta, naayos na yata ang konting gusot na dapat pag-usapan nila ni senator Kiko Pangilinan para sa nasabing pelikula na pagsasamahan nila nina Gabby at KC Concepcion.

Siyempre ang mga unang natuwa rito ay ang mga tagahanga ni mega Star kaya dapat siguro na itigil na rin ni Sharon ang pagpatol sa mga nagtu-tweet sa kanya ng hindi maganda at baka hindi na naman matuloy ang nasabing pelikula pag biglang nag-init ang kanyang ulo dahil sa mga fans ni Piolo Pascual na siyang salarin at may kagagawan ng mga natatanggap sa tweeter ni Sharon na may kasamang mga panlalait.

Samantala, ngayon palang excited na rin si Gabo at sa wakas napapayag na pala si Senator Kiko Pangilinan para sa kanilang balik tambalan ni Mega.

Parang nagkaron lang yata ng something na selos kay Senator Kiko Pangilinan kung kaya inayawan niya noon ang pagsasamang ito sa isang proyekto ng kanyang asawa at ni Papa Gabby.

Tinanong namin kay Gabby kung magkakaron ba ng kissing scene sila ni Sharon sa kanilang reunion. Halakhak lamang ang kasagutan ng gwapong aktor.

Sana matuloy na ang proyektong ito na matagal na rin namang inaabangan ng kanilang mga tagahanga.

‘Yun na!

***

TOTOO bang tinatarayan ng isang starlet na talent manager ng isang bagets na taga GMA 7 ang isang newcomer na batchmate ni Vassy De Guzman. Hindi yata approved sa nasabing talent manager ang panliligaw na ginagawa ng kanyang alaga rito sa maganda, fresh at disenteng new member ng Batchmate (Vassy De Guzman).

Nakarating kasi sa amin ang nasabing pagtataray ng nasambit na talent manager na feeling yata nito ay magagamit ang kanyang alagang starlet rin na may initial na DM sa publisidad ni Vassy De Guzman.

Sa totoo lang maganda si Vassy kaya baka nga mas maunahan pa siyang sumikat nito.

Lumalabas rin ngayon si Vas sy sa isang serye ng channel 7 na Magdalena na pinagbibidahan ni Bela Padilla.

Kahit maliit lang ang role ng dalaga ay cute at markado naman ito.

Napanood na rin namin sa video yung album ng Batchmate at nakasisiguro kaming marami ang mapahahanga sa grupong ito dahil sa bongga talaga ang nasabing dance choreo, siguradong marami silang pakakainin nang alikabok.

Panis sa kanila ang ibang female groups gaya ng Mocha Girls, EB Babes at ang Sexbomb (buhay pa ba sila?).

Si Lito De Guzman at ang galaxy record produ na si Sir William Lim ang siyang namamahala sa Career ng grupo.

***

BUKOD sa Public Attorney Assunto o Areglo sa channel 5 ni Madam Persida Acosta na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang rating, may balitang nakarating sa amin na may plano yata ang ABS-CBN na bigyan ng isang show si PAOCHIEF Acosta na parang may libreng konsultasyon para sa mga mahihirap na mga kababayan natin in terms of Legal Advice.

Masaya rin na binalita sa amin ng mabait na abugado na sobrang dami raw ang mga gustong kunin siya na mag-guest sa iba’t ibang network. Okay lang naman daw kay madam Persida ang mga guestings dahil hindi naman siya naka kontrata sa TV5 at kung matuloy nga ang plano ng ABS-CBN na mabigyan siya ng isang show, nakasisiguro ka-ming mas darami pa raw ang kanyang matutulungan.

Di ba, Ms. F?

Kung ilang beses na rin naming napanonood si Madam Persida sa FACE TO FACE show ng TV5 at sobrang nakaaaliw ang mga binibigay niyang payo sa magkabilang kampo na panauhin ng naturang show.

Minsan lang humarap sa entertainment press itong PAOCHIEF Persida Acosta pero sigurado namang marami kang ma- pupulot sa kanya.

Deretso kasi ito kung magsalita at willing siyang magbigay ng tulong sa mga reporters na may mga kaso sa korte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply