Kristo binaril, tepok

NAPATAY ang isang ‘kristo’ sa sabungan makaraan itong barilin ng isang ‘di pa kilalang lalaki kagabi sa Pasay City.

Hindi na nagawang maisalba ng mga doktor sa Pasay City General Hospital ang buhay ng biktima na kinilalang si Marlon Alindog, 30, residente ng no. 11-B Mary Luz St., M. dela Cruz, ng naturang lungsod bunga ng isang tama ng bala ng kalibre .45.

Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa motibo ng pagpatay sa biktima at inaalam ang kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Batay sa imbestigasyon na nakalap ni Pasay City Police Officer in Charge Chief, Supt.,Samuel Turla, ang insidente ay naganap dakong 7:45, Sabado ng gabi Nobyembe 10, sa Tripa De Galena, sa M.Dela Cruz St. ng nabanggit na lungsod.

Kaagad rumesponde ang mga tauhan ni PS INSP Antonio F. Sotomayor, hepe ng PCP-5, kung saan nakuha sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala buhat sa kalibre 45 at cellphone na pag-aari ng biktima.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Maranilla Alindog, 32 anyos, madalas umanong makatanggap ng pagbabanta sa buhay ang kanyang kapatid sa cellphone buhat sa hindi kilalang suspek.

Nangangamba umano ang ilang residente na nakakita sa krimen na isiwalat ang tunay na nangyari at baka sila balikan ng salarin at isunod sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply