KTV bar sa Baclaran, nasunog

sunog

NASUNOG ang isang KTV bar sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Parañaque City kaninang alas-10:00 ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng KTV bar na umabot sa unang alarma at naapula pasado alas-11:15 ng umaga.

Aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsala ng apoy habang wala namang nasaktang empleado ng naturang KTV bar.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply