Kulang sa pag-iisip hinalay ng lolo

rape

HINALAY ng 80-anyos na lolo ang kapitbahay na may diperensiya sa pag-iisip sa tahanan mismo ng biktima sa Brgy. Lawaan, Roxas City.

Nabatid na naaktuhan mismo ng tiyuhin ng biktima na kinilala lamang sa alyas na ‘Nene’, ang panghahalay ng suspek na si Dominador Acepcion.

Kaagad na nagtatakbo ang suspek matapos isuot ang damit nang makita ang tiyuhin ng biktima.

Ayon sa ulat, kukuha lamang sana ang biktima ng kanin sa kusina upang mananghalian nang biglang pumasok ang suspek at agad itong hinila sa kuwarto.

Base naman sa salaysay ng ina ng biktima na si Rosalinda Rico, nabigla sila sa ginawa ng suspek at hindi nila ito inaasahang magagawa dahil kilalang mabait si Dominador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply