Kumasa sa holdap: Driver humabol sa Undas

HOLDAP” ang binubusisi ng mga awtoridad sa pagkamatay ng isang 33 anyos na lalaki, makaraang pagbabarilin ng tinaguriang “riding in tandem” kahapon ng madaling araw sa Ermita, Manila.

Nakilala ang biktima na si Glenn Devero Y Esmores, 33 anyos, driver ng 171 Santan St., Masville Brgy. BF Paranaque City, habang patuloy ang pangangalap ng testigo para sa ikadarakip ng mga suspek na armado ng kalibre 9 MM baril.

Tinataya na ang isa sa mga suspek ay 5’8 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na jacket, maong na pantaloon at naka bullcap, samantala, ang isa naman ay nasa 5’5 ang taas ; brown complexion, katamtaman din ang pangangatawan, naka suot ng kulay puting t-shirt, short hairt at naka maong na pantalon.

Batay sa report na isinumiti ni Det.Charles John Duran kay P/Sr.Insp.Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section , dakong 2:00 ng madaling araw , nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Maria Orosa at United Nations Avenue sa Ermita.

Dalawa ang nagbigay ng salaysay sa pulisya na sina Catherine Santos, 47 anyos, at ang isang vendor sa lugar na si Nora Capampan,42 anyos, na di-umano’y nakita nila ang biktima na nakikipagtalo sa dalawang suspek sa tapat ng Chowking Fast food sa sangay ng United Nations Avenue sa nasabing lugar.

Hindi pa man nagtatagal, nang suntukin ito ng isa sa suspek, kaya nagtatakbo si Devero sa Ma.orosa St.,saka nagbunot ng baril ang gunman, saka pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos isagawa ang krimen, sumakay sa nag-hihintay na kasamahan na lulan ng isang MIO scooter na kulay itim, habang nakapark ito sa tapat ng nasabing fast food chain, saka pinaharurot ito patungong Taft Avenue.

Gayunman,ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa St.Yvan Funeral Morgue, para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply