Kung di papalitan ang title: Pelikula ni Binoe ibabasura

KASADO na dapat sa November 30 ang pagpapalabas ng pelikulang “Kuratong Baleleng” na katatampukan ni Robin Padilla kasama ang kanyang kapatid na si Rommel at pamangking si Daniel, ngunit dahil sa isyu ng pagpapapalit ng title nito ay naudlot ang showing sa mga sinehan.

“Namimiss-interpret kasi ng maraming tao. Akala nila pag sinabing ‘Kuratong,’ ‘yun na ‘yung gang. Ang Kuratong Baleleng po ay darling bells sa Mindanao,” paliwanag ni Robin Padilla.

Gayunman, bukas naman daw si Binoe sa pagpapalit ng title. Aniya, “Kung ako ang tatanungin, ayoko sanang palitan, pero si Rommel na ang bahala. Kung ano ang desisyon ‘nya, dun ako.”

Kung katambal ni Binoe ang pamilya sa pelikula, katambal naman niya sa “Toda Max” ang tumatayo niyang pinsan na si Vhong (Justin) sa pagtayo ng isang business. Makikialam si Lady G (Pokwang) at kukuha ng mga artista para sa grand opening ng restaurant nina Tol (Binoe) at Justin. Ngunit palpak ang kukunin ni Lady G na agency dahil imbes na artista ang dala ng representative na si Marco (Marco Gumabao), mga bading na impersonator ang pupunta.

Maging matagumpay kaya ang grand opening ng restaurant nina Tol (Binoe) at Justin? Alamin sa “Toda Max” ngayong Sabado (November 3) kung saan guest ang “LUV U” star na si Marco Gumabao pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.

***

Buhay ni Mario Maurer kakalkalin sa ‘SIR’

ABANGAN ngayong Sabado, November 3, ang pagbusisi ng Showbiz Inside Report sa buhay ng Thai Superstar Mario Maurer. Maganda ito dahil malalaman ng mga Pinoy kung ano ang mga pinagdaanang hirap ni Mario bago nito nakamit ang tagumpay.

Samantalang isisiwalat naman ni Rayver Cruz kung anong klaseng pamilya meron siya. Paano ba niya tinutulungan ang mga ito?

Si Angelica Panganiban ay magpapakilig naman dahil ipagtatapat nito ang tunay na damdamin niya sa kanyang kasintahang si John Lloyd Cruz at kung paano siya magmahal. Paano ba niya ikukumpara si Derek kay John? Kanino ba niya naramdaman ang tunay na pag-ibig?

***

Ininsnab ng cast ang victory party

TILA hindi yata proud sa kanilang movie ang cast ng A Secret Affair ng Viva Films dahil buong ningning nilang inisnab ang victory party na ibinigay sa kanila ng super kuring na si Vic del Rosario.

Ang sabi, si Derek Ramsay daw ay nasa trade launch ng TV5 at ni-represent ang The Amazing Race Philippines na siya ang host. Si Andi Eigenmann naman daw ay nakulong sa trapik. Si Anne Curtis galing sa taping ng Showtime.

Naghuhugas na ng mga pinggan nang dumating ito. Hehehe!

Kiyeme lang yatang kumita ito. Nag-party lang ang Viva para ipakitang hindi pa laos si Derek at upang ma-save ang kanilang face at sabihing kahit hindi sila sinuportahan ng Kapamilya network ay kumita pa rin sila nang malaki, at tinalbugan pa kuno nila ang No Other Woman kung saan sina Anne at ang balbasaradong aktor plus Kristine Reyes ang mga bida kasosyo ang Star Cinema.

Mahirap bang amining hindi na kayang maging blockbuster ng mga proyekto ng Viva kung hindi nila ka-partner ang movie- outfit ng ABS CBN? Aminin…

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply