Kutsabahan ng CAAP, Aviatour iimbestigahan – Bong

IIMBESTIHAGAN ang umano’y kutsabahan sa pagitan ng ilang taga-Civil Aviation Authority of the Philippines at Aviatour pagdating sa safety clearance kaya nakalipad ang eroplano nito kahit hindi dumaan sa kaukulang safety measure.

Ito ang ipinahayag ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., kasunod ng paglabas ng resulta ng reinvestigation sa pagbagsak ng eroplanong sinakyan ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa karagatang sakop ng Masbate noong Agosto 18, 2012.

Sa susunod na linggo itinakda ang pagdinig ng Oversight Committee on Civil Aviation Authority of the Philippines hinggil sa nasabing usapin.

Samantala, sinabi ng senador, na magsilbing leksyon sana sa lahat ang naging findings sa ginawang imbestigasyon ng CAAP.

Lumalabs sa pagsisiyasat ng CAAP na pilot error ang dahilan nang pagbagsak ng Piper Seneca na sinakyan ni Robredo na naging dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply