Kuya Germs kinikilalang mahusay na actor

german-moreno

DUMALO si Kuya Germs sa presscon ng Talo, Tabla, Panalo, isang matinong indie film, directed by Buboy Tan. Buong ningning na sinagot ni Kuya Germs ang lahat ng mga katanungan sa kanya.

Being the lead star of Talo (by the way, trilogy ang pelikula at una yung istorya revolving around the character of Kuya Germs). Isang sugarol na ama ang role ng Master Showman in this adcvocacy films at rito naipakita niya ang character nang buong husay.

Kunsabagay, puwede naming sabihin talagang de kalibre na si Kuya Germs having been in the business for almost fifty years. This 2013, he will celebrate his golden anniversary sa showbiz at talaga namang isang malaking palabas ang gagawin sa Resorts World on April 24.

Kasabay ng kanyang ika-50 year, isang coffee table book ang inihahanda ng GMA7 tungkol sa kanya.

“I am very thankful sa GMA 7 sa pag-aalaga nila sa akin, I feel I am part of them,” sabi pa ni Kuya Germs.

But aside from the papuris, meron rin namang itinatagong mga sama ng loob si Kuya Germs against his network. Pero nililinaw niyang matagal nang tapos yun at kung nababanggit man niya ito ngayon, yun ay bahagi na lang ng istorya niya sa showbiz.

“I don’t understand, hindi ko talaga malubos-maisip kung bakit kailangan nilang patayin ang isang programang mataas ang rating? Bakit kailangang putulin nila yung ginagawa kong pagtulong sa maraming baguhan.”

Ang tinutukoy ni Kuya Germs ay yung kanyang advocacy program noon sa GMA 7 na That’s Entertainment. At its peak, tsinugi ito ng GMA 7 gayung ang dami namang artistang nagawa mula sa programa.

“Sino bang magsasabing hindi sikat ang That’s Entertainment? After many years na wala na ito sa ere, hanggang ngayon napag-uusapan pa rin ito. At patunay raw ng tagumpay ng That’s ay yung tagumpay rin ng maraming artistang na-build up sa show.

Oo nga naman!

***

Eddie Garcia napaghandaan na’ng kamatayan

NUNG una, ang akala namin, nagbibiro lang si Eddie Garcia when he said something like na napaghandaan na niya ang kanyang kamatayan. Sa presscon nga kasi ng Talo, Tabla, Panalo, Eddie is the lead star of the second episode na Tabla. Isang taong grasa ang papel niya sa movie na nakatira sa ilalim ng tulay.

Dahil nga tungkol sa mga senior citizen ang tema ng naturang movie, ‘di maiwasang matanong si Manoy Eddie kung napaghandaan ba nito ang pagtanda.

Sagot niya, “pag namatay ako, hindi na ako ibuburol, from my deathbed tuloy sa crematorium, tapos yung abo ko, itatapon sa dagat.”

After the question and answer portion, muli naming nilapitan si Eddie Garcia at tinanong kung seryoso ba siya run sa sagot niyang ipasusunog niya’ng kanyang bangkay when he dies. “Oo naman, my family knows about it, malinaw sa kanila yun. No obituary, no announcement, yun nang mawawala na lang ako, yung wala ng marami pang pasakalye, I think that’s the way it should be,” sabi pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply