Kuya tigbak kay utol sa Maynila

crime-scene-chalk-mark

PATAY ang isang 34-anyos na lalaki makaraang masaksak ng kanyang nakababatang kapatid sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng gabi.

Naisugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Cezar Cristobal, binata, walang trabaho ng 779 Carola St., ng lungsod ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay nang sumirit at maubusan ng dugo dahil nadale ang ugat nito.

Kinilala naman ni PO3 Alonzo Layugan, imbestigador ng MPD-Homicide Section ang suspek at kapatid ng biktima na si Crispin Cristobal, 32.

Sa imbestigasyon ni Layugan, nakitang nagtatalo ang magkapatid sa eskinita ng Carola St., hanggang sa bumulagta na lamang ang sa semento.

Hindi pa natutukoy kung ano ang pinag-awayan ng magkapatid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply