Laban sa terorismo, laban sa kahirapan

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

HINDI man maayos ang kondisyon ng katawan ni Pangulong Benigno Aquino III, umalis pa rin siya ng bansa upang dumalo sa 21st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia.

May ubo at sipon ang Pangulo kaya’t hindi maganda ang kanyang pakiramdam dahilan upang bago siya magtungo sa Cambodia ay hindi nakadalo ng ilang meeting na dapat sana niyang harapin.

Walang problema kay Pnoy kung hindi man siya makadalo sa ilang pagpupulong dito sa ating bansa sapagkat ang mahalaga sa kanya ay mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia sa pagkontra sa transnational crime at terorismo.

Marami ang bumabatikos kay Pangulong Noynoy dahil sa umano’y mahinang paglaban sa terorismo ng kanyang pamahalaan. Hindi po ito totoo. Ang totoo, matagal nang pinalalakas ng administrasyon ni PNoy ang paglaban sa terorismo dahil naniniwala siya na isa ang terorismo sa humahadlang sa pag-unlad ng ating bayan.

Pinagtulungan na ng Pilipinas at Cambodia ang pagbalangkas ng Memorandum of Agreement on Combating Transnational Crime and Terrorism kung kaya’t handa na ang dalawang bansa sa pormal na paglagda sa MOA.

Kabilang sa pinatindi ang kasunduan sa MOA ay ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police sa Cambodian National Police para sa pagpapatupad ng batas, paglaban sa kriminalidad at mga katulad pa nito.

Babalik ang Pangulo sa Nobyembre 20 sa bansa dala hindi lang ang paglaban sa terorismo subalit maging ang pag-unlad ng bansa dahil kapag nalabanan ang terorismo ay magiging kasabay na nito ang pag-unlad ng bansa sapagkat mas mapapagtuunan ng mga mamamayan sa kanayunan ang pagpapaunlad sa kanilang kabuhayan
na madalas ay apektado ng terorismo.

Hindi lang naman ang terorismo ang punto ng pagtungo at pagdalo ni PNoy sa 21st ASEAN SUMMIT kundi maging ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa kaugnay sa kultura, agrikultura at edukasyon.

Bukod pa rito ay sisikapin ni Pangulong Aquino na magkaroon ng iisang posisyon ng ASEAN Community sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply