Labi ng minerong na-trap sa mining pit, narekober

CAMARINES-NORTE

NAREKOBER na ng awtoridad ang bangkay ng isa sa minerong natabunan ng buhay sa pagguho ng mining pit sa Parcale sa Camarines Norte nitong nakaraang Martes.

Sinabi ni Office of Civil Defense Bicol head Bernardo Rafaelito Alejandro IV na ang bangkay ay nahukay dakong alas 4:30 p.m. nitong nakaraang Huwebes.

Wala pang pagkakakilanlan ang bangkay, ayon pa sa ulat.

Pinipilit naman ng mga rescue teams para makuha pa ang dalawa pang minero mila sa loob ng minahan pero inamin na maliit na ang tiyansa para makha sila ng buhay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, naganap ang insidente dakong 9 p.m. nitong nakaraang Martes Tuesday, nang maganap ang dynamite explosion sa nasabing minahan.

Nagigting ang sinasabing “guerrilla” mining activity sa Sitio Bulaay, Purok Maligaya sa Barangay Palanas sa Paracale.

Pero sinabi ng NDRRMC na ang sinasabing financier ng   mining activity, na isang nagngangalang Agosto ay tumangging makipag-koordinasyon o magbigay ng impormasyon hinggil sa insidente.

Sa imbestigasyon, sinabi ng NDRRMC na gumuho ang minahan sanhi ng biglaang pagdaloy ng tubig na dulot ng  high tide.

Samantala, sinabi ng isang  opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na ang small-scale mining operations sa Paracale town sa Camarines Norte province, na tulad ng na-trap na 12 minero ay posibleng may may lihim na basbas sa mga lokal na opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply