Labor groups sumugod sa DOLE

DOLE

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Maynila ang ilang militanteng grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) upang hilingan ang P125 across the board wage increase.

Ayon kay KMU Chairperson Elmer Labog, tila hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Bukod sa wage increase hinaing din ng labor groups ang problema hinggil sa contractualization na anila’y sumisikil sa karapatan sa job security ng mga manggagawa.

Ayon kay Labog, hanggat hindi natutugunan ang kanilang hinaing ay patuloy pa rin ang kanilang pagkilos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply