Labor survey ng SWS ‘di tanggap ng DOLE

HINDI naging katanggap-tanggap sa pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inilabas na survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing 29.4% o katumbas ng 12 milyong mga Pilipino ang walang trabaho.

Lumabas din sa survey ng SWS, na karamihan sa mga walang trabaho ay dahil nag-resign; nasa 13 percent ang nawalan ng trabaho kung saan 5 percent rito ay nagsabing sila ay first-time job seekers.

Ayon kay DOLE spokesman Nicon Fameronag, hindi katanggap-tanggap ang naturang survey ng SWS dahil sa malayo ito sa survey ng National Statistics Office (NSO).

Sinabi ni Fameronag, na hindi rin tamang pagkumparahin ang dalawang survey dahil magkaiba ang pamamaraan ng SWS at NSO sa pagkuha ng detalye.

Ayon kay Fameronag, batay sa NSO bumaba pa nga ng hanggang pitong porsiyento noong Hulyo o katumbas ng 2.8 milyong Pilipino ang walang trabaho sa bansa kumpara sa 7.1% na employment rate noong nakaraang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply