Lady solon naaksidente sa SLEX, sugatan

SUGATAN sa isang aksidente sa South Luzon Expressway si Agusan del Sur Rep. Maria Valentina Plaza kaninang umaga.

Agad na isinugod sa Makati Medical Center ang kongresista na nagtamo ng mga galos, bukol at hiwa sa mukha.

Sang-ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG, naganap ang aksidente sa Northbound lane ng SLEX-Bicutan.

Nakasakay diumano sa big bike si Plaza nang mabangga nito ang bahagi ng kalsada na may ginagawang reblocking.

Napag-alaman na walang diumanong early warning device sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon, idineklara na ng mga doktor ang kongresista na stable at conscious subalit patuloy pa rin itong oobserbahan ng mga doktor.

Si Plaza ay vice chairperson ng House Committees on Civil Service and Professional Regulation, East Asean Growth Area at Local Government.

Si Plaza ang maybahay ni dating Agusan Rep. Rodolfo Plaza.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply