Lakers may panalo na

NASUKOL rin ng Los Angeles Lakers ang unang panalo matapos nilang tambakan ang Detroit Pistons, 108-79 kaninang umaga sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nalugmok muna ng tatlong sunod na kabiguan ang Lakers kaya halos dismayado ang kanilang mga fans.

Sa first half pa lang ay umarangkada na agad sina Kobe Bryant, Dwight Howard, Pau Gasol at Meta World Peace upang iwanan ang Pistons, 62-34.

Hanggang sa third canto ay inararo pa rin ng Lakers ang Pistons para masiguro ang panalo.

Kumamada ng 28 puntos, pitong rebounds at tatlong blocks para ilista ng 1-3 win-loss slate habang nag-ambag si World Peace ng 18 points, limang boards at apat na assists.

May 15 at 14 pts. naman sina Bryant at Gasol ayon sa pagkakasunod.

Naunang nabigo ang Lakers sa Dallas Mavericks sumunod sa Portland Trail Blazers bago yumuko sa Los Angeles Clippers.

Wala ni sinuman sa starting five ng Pistons ang naka-double digit points.

Galing sa bench ang mga scores ng Pistons ng magtala sina Jonas Jerebko, Kyle Singler at Will Bynum ng 18, 11 at 10 sa pagkakahilera.

Samantala, sa ibang NBA resulta, nilista ng New York Knicks ang 2-0 panalo-talo karta ng padapain nila ang Philadelphia 76ers, 100-84.

Sinilat naman ng Atlanta Hawks ang Oklahoma City Thunder, 104-95.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply