Lalaki patay kay ‘Bulag’

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng alyas Bulag habang ang una ay nagmumuni-muni sa labas ng kanilang bahay sa Malabon City kaninang madaling araw, Nobyembre 1.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Romeo Lumagbas, alyas Boy Banyo, 56 ng Phase 2, Longos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Michael Ignacio, alyas Bulag, nasa hustong gulang ng Labahita, Longos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, nagmumuni-muni ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Onsehan sa droga ang isa sa tinitignan angulo ng mga pulis dahil sangkot umano sa bentahan ng droga ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply