Legalisasyon ng jueteng, tinutulan ni Koko

HINDI na kailangan pang gawing legal ang jueteng sa bansa dahil pinalitan na ito ng small town lottery, ayon kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa ginanap na pagdinig nitong Lunes, sinabi ni Pimentel na walang sapat na basehan ang administrasyon na gawing legal ang jueteng dahil alinsunod sa testimonya ng pulisya na napupunta sa STL ang pagtaya ng mamamayan kaysa jueteng.

“Nakapagtataka naman  kung bakit isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang pagsasalegal ng jueteng gayong pinalitan na ito ng small town lottery (STL).,” ayon kay Pimentel.

Sa pagdinig ng nasabing komite, sinabi rin ng hanay ng Philippine National Police (PNP)  na hindi sa jueteng napupunta ang pera ng mga mananaya dito kundi sa sinasabing small town lottery (STL) dahil  nasugpo na ng mga awtoridad ang illegal gaming number.

Una nang napaulat na talamak pa rin ang  sa mga probinsya ang illegal na jueteng.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply