Leonen bagong pag-asa ng pamilya ng Ampatuan massacre victims

UMAASA ang Malakanyang na sa pag-upo ni SC Associate Justice Marvic Leonen ay matutugunan na ang apela ng pamilya ng massacre victims na makukuha na nila ang hustisya matapos ang tatlong taon ng paghihintay.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na  naiintindihan nila ang hinaing ng pamilya ng Maguindanao massacre lalo pa at para sa kanila ay matagal na ang kanilang ginagawang paghihintay.

“We understand totally, and we… This is going to be the third anniversary of the Maguindanao massacre, and we certainly know that as long as the case remains unresolved, as long as the case has not yet been decided, there were always be concerns, and we share the same concerns as with the massacre victims,” anito sabay sabing “As to the others, in terms of hastening or expediting the judicial process, we have time and again made our plea to the judiciary to expedite the process without, of course, sacrificing due process. “

Ipinaubaya naman ng Malakanyang kay SC Chief Justice  Maria Lourdes Sereno na tugunan ang panawagan  sa pamahalaan na lumikha ng special court upang mas mapabilis ang  itinatakbo ng pagdinig sa usapin ng Maguindanao massacre.

“The Supreme Court already has created special court for heinous crimes. The Maguindanao massacre trial or case is a heinous crime case. The Judge there, Judge (Jocelyn) Solis, again, my understanding is she has devoted her time to finishing the Maguindanao massacre case,” anito.

Panatag ang loob ng Malakanyang na wala nang magaganap na insidente sa Maguindanao sa pagsali ng ilang Ampatuan sa halalan sa susunod na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply