Libel ni Amalia vs Annabelle Rama, Bianca Gonzales ibinasura na

annabelle-rama

IBINASURA na ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang kasong libelo na isinampa ng beteranang aktres na si Amalia Fuentes laban sa talent manager na si Annabelle Rama at sa TV host na si Bianca Gonzales.

Ang kaso ay may kaugnayan sa sinabi ni Rama sa isang article na isinulat ni Gonzales na nabanggit ang pangalan ni Amalia na dating nililigawan noon ng asawa niyang si Eddie Gutierrez.

Tinukoy din ni Fuentes ang mga tweets ni Rama na isang uri ng panira sa kanya.

Pero sa desisyon ni Quezon City Second Assistant City Prosecutor John Patrick Corpuz, walang sapat na basehan ang reklamo ni Fuentes para iakyat sa korte ang kaso.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Anabelle na natanggap na niya ang kopya ng nasabing resolusyon.

Nagpasalamat naman ito agad kay Sto. Niño dahil sinagot ang kanyang dasal na manalo sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Dagdag pa ng ina ni Ruffa Gutierrez, na kinalimutan na niya ang nasabing kaso at mga problema niya rito sa Maynila, dahil ngayon ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang pagtakbo bilang kongresista sa Cebu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply