Lider ng Davao carnapping syndicate, nasa Spain na

MULA sa Bangkok, Thailand, nakalipad na sa Spain ang leader ng Baktin kidnapping syndicate.

Ito ang kinumpirma kaninang umaga (Nobyembre 19) ni mismong si Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte matapos makuha ang kopya ng ulat mula sa International Police  (INTERPOL) na dumating na Madrid, Spain si Ryan Kim Yu alyas Baktin, ang leader ng Baktin kidnapping syndicate na siyang responsable sa sunod-sunod na carnapping incident sa Davao City.

Ayon pa sa ulat, dumating sa Madrid si Yu dakong alas 4 nito lamang Sabado ng hapon kasama ang isang hindi nakikilalang babae.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na mahihirapan na ngayon ang awtoridad na mahuli si Baktin lalo na’t walang extradition treaty ang Pilipinas sa Spain.

Tanging magagawa na lamang ngayon ay ang pagkansela sa pasaporte ng suspek para hindi na ito makabiyahe pa sa ibang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply