Lider ng drug group sa La Union nalambat ng PDEA

NASAKOTE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilabot na lider ng drug group na nag-oopereyt sa probinsiya ng La Union sa isang entrapment operation nitong Lunes, Nobyembre 5.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Michael Lagasca, alias Kenneth, 32 anyos, konduktor ng bus at taga-Barangay San Eugenio, Aringay, La Union.

Nauna rito, nakipagkasundo ang suspek sa bilihan ng shabu sa isang nagpanggap na buyer ng PDEA noong hapon sa Brgy. Sta. Ana, Agoo, La Union.

Nang magkaabutan na ay dito na dinakma ng mga operatiba ng PDEA RO1 sa pamumuno ni Director Rogelio Cabrera ang suspek sa tulong ng La Union Police.

Ani Cacdac, si Lagasca umano ang lider ng PEN Drug Group na kumikilos sa mga munisipalidad ng Agoo, Aringay, Bauang at Naguilan, pawang lahat  sa La Union at itinuturing din itong numero uno sa kanilang target list sa PDEA RO1 sa huling quarter ng  2012.

Pansamantalang nakapiitsi Lagasca sa kulungan ng PDEA RO1 at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply