Liderato ng Kamara, hinamon ng Bayan Muna

DAHIL sa pagkabinbin ng matagal ng Freedom of Information bill, hinamon ng Bayan Muna ang mga mambabatas na bumubuo sa House Committee on Public Information na magpakalalaki naman sa napipintong pagtalakay sa Freedom of Information bill bukas, November 13.

Binigyang diin ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na dapat ng tayuan ng mga kongresista ang FOI kahit umano ito ikagalit ni Pangulong Aquino.

“I challenge my colleagues in the Public Information Committee to show some balls and approve the bill even if it means earning the ire of the  President. It is an open secret among us that one reason why  the bill’s main proponent was  bumped off the Liberal Party ‘s senatorial slate was because of  his insistence on the bill,” ayon kay Casino.

Hindi, aniya, dapat na ikatakot ng sinumang miyembro ng nasabing komite na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang posibleng pagbasura sa kanila ni Pangulong Aquino sa eleksyon ng 2013.

Mahalaga, aniya, na matatandaan ng mga tao na may nagawa sila para sa good governance at transparency sa gobyerno na kahit ito ay pilit hinaharang ng kasalukuyang administrasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply