Like Shalani Soledad, Grace Lee gagamitin rin ni Willie Revillame na pandagdag sa rating

grace-lee

HISTORY repeats itself sa pagitan nina Konsehala Shalani Soledad at TV host na si Grace Lee. Nung maingay na maingay pa ang name ni Shalani, ito ‘yung mga panahong kahihiwalay pa lang nila ni PNoy, sobrang atat sa kanya si kuyang Willie Revillame to the extent na para mapapayag lang ang magandang politician host ay milyones ang ibinayad sa kanya.

Alam naman kasi ng yabangerong comedian/host na bayaran man niya ng milyon si Shalani ay apaw-apaw na salapi ang babalik sa kanya dahil kakagatin ito ng kanilang televiewers. At nagtagumpay nga siya (Willie).

Napa-rate nang husto noon ng misis ni Pasig Cong. Roman Romulo ang naunang show nila sa TV 5 na Willing Willie na hindi lang bongga ang dating kundi dinumog pa ng sangkaterbang commercials.

But those were the days, dahil noong mapansin ni Willie na wala ng gaanong fire si Shalani ay hindi na niya pinabalik ang ginagamit-gamit lang na host.

Ngayon ay si Grace na naman ang kanyang bagong biktima at ito ngayon ang kanyang apple of the eye at asset raw ng kanyang Wil Time Bigtime. Well, tingnan natin after a year, lalo na kapag hindi nakaragdag sa rating ang Fil-Korean host kung hindi rin siya tigbakin ng bossing niyang si WR. Lalo na ngayon na medyo bagsak na rin ang popularity ni Grace.

Hay naku! Baka ‘yung sumunod na maging girlfriend ni Presidente Noynoy Aquino ay siya na namang maging susunod na target ni Willie para maging co-host sa kanyang di na gaanong impressive na programa sa TV5. Style mo, baguhin mo na gyud!

***

D’ Kilabots Pogi Brothers…WEH!?  Comedy movie nina Jose At Wally inaabangan

SIGURADONG hindi palalampasin ng mga Dabarkads natin sa iba’t-ibang Barangay sa loob at labas ng Mega Manila ang latest comedy movie ng mga idol nilang sina Jose Manalo at Wally Bayola na may titulong D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!?

Sa bawat barangay nga na pinupuntahan ng dalawa araw-araw with Paolo Ballesteros para sa kani -lang public service segment sa Eat Bulaga na Juan For All, All For Juan, kinukulit na ng tanong sina Jose, Wally at Paolo na ka-join rin sa movie kung kailan na ang showing ng kanilang D’Kilabots Pogi Brothers.

Isa lang ang ibig sabihin nu’n. Lahat ng mga kababayan natin sa bawat barangay ay sabik nang mapanood ang nasa bing pelikula na showing na sa November 28 na magtatanggal ng kanilang matitinding stress at problema sa buhay.

Sa trailer pa nga lang ay marami na ang mga naaaliw rito, how much more kapag napanood pa nila ito sa mga sinehan sa buong bansa? Sa movie, magkapatid na nagkagalit ang drama nina Jose at wally bilang Justine at Bruno. Si Pokwang, na mala-diyosa ang dating, ang dahilan ng alitan ng dalawa na unang nagustuhan ni Justine (Jose) pero kay Bruno (Wally) naman nagpakasal.

Naging simula ito ng pagiging woman-hater ni Justine kahit habul-habulin siya ng balikbayang si Solenn Heusaff. Pero in the end, bumigay na rin sa seksing dilag pero nahirapan rin ang babae na ilapat ang labi niya kay Justine, huh?

Sa bandang huli ay nagkabati rin sina Justine at Bruno upang ipagtanggol ang lupang pinaghirapan na gustong kamkamin ng mga ganid na negosyante. Isa sa highlights ng movie ay ang Sto. Nino procession kung saan naganap ang mahabang aksyon na punumpuno rin siyempre ng katatawanan!

Aba! hindi imposibleng tulad ng kanilang naunang pelikula na Scaregivers at SRO concert sa Araneta Colesium last March, ay magiging blockbuster rin ang D’Kilabots nina Jose at Wally.

Pagsamahin mo ba naman sa isang pelikula ang aksyon, drama, comedy at spoof ng casts sa iba’t-ibang movies, aba’y maghi-hit nga ito. Bukod kina Jose at Wally, Paolo, Pokwang at Solenn ang ilan pang artista na makikipagtagisan ng komedya sa kanila ay sina Ms. Gina Pareno, Jimmy santos, Tirso Cruz 111 at iba pa. Mula ito sa direksyon ni Soxie Topacio na nagbigay at naghatid sa atin ng award-winning blockbuster comedy film na Ded Na Si Lolo!

Magkakaroon ng magarbong red carpet premiere ang D’Kilabots Pogi Brothers sa SM Megamall Cinema 9 sa November 27(Tuesday) at 7 pm.

Abangan rin sina Jose at wally at kanilang co-stars sa kanilang nakaaaliw na mall shows sa SM San Lazaro sa Nov. 23 at 5 pm at sa Nov. 25 naman 5 pm rin sa SM Valenzuela.

Sugod na sa malapit na mga sinehan sa inyong lugar sa November 28. Ito ang pelikulang hindi n’yo paghihinayangang panoorin gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply