Lim: Mga brgy. tanod dapat i-background check

MARIING ipinag-uutos ngayon ni Manila City Mayor Alfredo Lim sa mga barangay chairman sa lungsod na magsagawa ng background check sa mga kinukuhang barangay tanod sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ang kautusan ni Mayor Lim ay kasunod nang pagmasaker ng tanod na si Nestor Delizalde, Jr., sa mag-ina at kasambahay sa Yakal Street, Sta. Cruz, Maynila.

Nakita sa rekord ni Delizalde na 16 na beses na itong naglabas-pasok sa kulungan dahil sa iba’t ibang kaso, kabilang ang pagnanakaw.

Sinabi ni Lim na upang maiwasang maulit ang ganitong pangyayari, kailangang hingan muna ng police at barangay clearance ang aplikante sa pagkatanod at magkaroon ng magandang pamantayan sa pagpili.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply